Ang aming layunin
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Binigyan tayo ng karapatan at kapangyarihang makiisa sa pagbuo ng mga desisyon na makapagpapaunlad sa ating bansa. Ngunit tila bakit nabibigyan lamang ito ng pansin tuwing sasapit ang panlalawigan at pambansang eleksyon. Ito ang natatanging panahon, kung saan tayo ay pinakikinggan at pinahahalagahan. Sa panahon ding ito makikita kung paano bumababa ang mga nanunungkulan upang makuha ang ating mga tiwala at boto. Idinadaan nila tayo sa matatamis na salita at mga pangakong lagi namang napapako. At pagkatapos ng eleksyon, muli tayong babalik sa kaniya – kaniya nating pamumuhay habang pinapanood silang mga nahalal na opisyal na malayang ginagawa ang kahit anong nais nilang gawin para sa kanilang pansariling ikabubuti.
Paano nga ba natin mapalalawak ang ating karapatan sa ating demokratikong bansa?
Siguro nga’y nailalabas natin ang ating mga saloobin sa ilang “social media platforms” ngunit bakit parang ingay lamang ito sa kanila na hindi kailangang bigyang pansin. Tila nagbibingi – bingihan sa boses ng mga simpleng mamamayan porket sila ang may kapangyarihan. Demokratikong lipunan kung tawagin, ngunit hindi pinakikinggan ang mga ideya natin.
Ang meron tayo ngayon ay ang “open-loop democratic system”, sistemang walang lugar sa pagtanggap ng mga ideya mula sa mga simpleng mamamayan ng bansa. At ang sistemang walang wastong pagpuna at pagtanggap sa mga “constructive criticism” ay hindi magiging matatag at matagumpay. Nabigyan ka na ba ng pagkakataon na sabihin ang iyong mga ideya sa mga taong nahalal sa gobyerno upang mapabuti ang kanilang pamumuno? Tiyak kaming marami sa atin ang may mga makabuluhang ideya na maaaring makatulong sa ating pamahalaan sa lalong pagpapaunlad ng ating bansa.
Ang aming layunin ay makalikha ng ligtas na platform upang maipahayag at maibahagi ang inyong mga ideya upang mapaunlad ang pamamalakad sa ating gobyerno. Pinangalanan namin ang aming website na ideyaPH, na direktang salin mula sa salitang ingles na “idea” upang maipahayag ang ating pagiging makabayan at maiparating ang aming malinis na intensyon sa pagbuo ng website na ito.
Sa pamamagitan ng “online platform” na ito, mabibigyan ng pagkakataong maipahayag ng bawat Pilipino ang kanilang sariling IDEYA, paunlarin ang IDEYA ng iba, at bumoto sa IDEYANG sa tingin nila ay makakagawa ng malaking impact para sa kaunlaran ng pamumuno ng mga nahalal sa ating pamahalaan. Ang ideyaPH ay isang ligtas na lugar para sa ating mga Pilipino na ma-practice ang ating freedom of speech tungkol sa pamamalakad ng ating gobyerno, mga programa ng ating pamahalaan, mga batas at polisiya, at iba pang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating bansa. Panahon na upang tayo ay mapakinggan at makakita ng tunay na pagbabago!
Disclaimer: Ang IdeyaPH ay walang sinusuportahan o kinikilingang sangay at opisyal ng gobyerno. Ang lahat ng ideyang inyong ibabahagi ay dadaan muna sa aming screening bago tuluyang mai-post. Lahat ng mga na-approve na ideya ay aming isusumite sa karampatang ahensya ng gobyerno. Bilang karagdagan, ang inyong mga ideya ay maipo-post din sa aming iba pang social media pages.
IDEYA MO, i-FLEX MO! Ang lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa isang ideya.Our Vision
The Philippines is a democratic country. We were given the rights and power to participate in our country’s decision making to achieve its full potential. But it seems that we can only exercise our democratic power during local and national election periods. These are the only times when our voice is being heard and valued. Aspiring government officials step down from their pedestal to win our trust by wooing us with sweet words and hundreds of promises for them to gain our approval and votes. After the election, we continue living our own lives while watching the elected government officials do things at their own advantage. And the cycle goes again – waiting for the next election to happen to practice the limited democracy we have thru voting.
But how do we maximize democracy?
It’s true that we can voice out our ideas on social media platforms, but it seems like we are just making noise that our so-called servant-leaders don’t even bother try to listen to. They seem to shut their ears from ideas and criticisms just because they have the power to do so. They say that we have a democratic society, but they just ignore our ideas consistently.
What we have now is an “open-loop democratic system”, a system that has no room for ideas from simple citizens of the country. And a system without a proper feedback and acceptance of constructive criticisms won’t attain stability and prosperity. Have you ever been asked by these government officials about your ideas on how they can serve our country well? We’re sure that many of us has meaningful ideas that could propose creative and innovative concepts to make our country prosper.
Our vision is to create a safe platform to voice out our ideas on improving the governance in our country. The name of this platform, ideyaPH (ee-de-ya PH), is the direct Filipino translation of the word “idea” to entail our website’s patriotic and clean intentions. Through this online platform, every Filipino can share their own IDEYA, polish other’s IDEYA and cast votes thru polls to prioritize a specific IDEYA that they believe can create big impact on how our elected leaders can fully serve our country. ideyaPH can be a safe place for you to practice your freedom of speech about government programs, policies, and other timely issues that our country is facing. It’s time for our IDEYAs to be heard and our country to see a real change!
Disclaimer: This platform is non-partisan, non-political and non-biased. Every ideya that you are going to share with us will be screened first before it gets posted. Once approved, your ideya will be sent to the intended government offices. Furthermore, all approved ideya will be posted on our social media pages as well.
FLEX your ideya! All change starts at one ideya.